Sinimulan na ng Manila Water na patakbuhin ang labing-tatlong deepwells sa iba't ibang lugar sa nasasakupan nito. Nito lamang Marso 27, higit sa 15 na milyong litro ng tubig kada araw (MLD) na ang karagdagang supply na nakukuha mula sa mga deepwells at tinatayang mas marami pang supply ng tubig galing sa mga deepwells ang madaragdag sa mga susunod na buwan.
Bago pa man patakbuhin ang mga bagong deepwells, higit sa 9 MLD na supply ang nanggagaling mula sa limang deepwells sa Curayao, Rodriguez. Inaasahang aabot sa 30 MLD ang supply na manggagaling sa mga deepwells sa katapusan ng Marso ngayong taong ito.
Sa kasalukuyan, aabot sa 100-150 MLD ang kinakailangang karagdagang supply ng Manila Water para sa mga kostumer nito kumpara sa alokasyon na 1600 MLD na nakukuha nito mula sa Angat Dam. Bukod sa mga deepwells, sinisikap ng Manila na mapunan ang dagdag na pangangailangan sa supply sa pamamagitan ng Cardona Water Treatment na ngayon ay nagbibigay na ng 23 MLD. Nagsimula na ring makakuha ng dagdag na tubig mula sa crossborder flows ng Maynilad na ngayon ay umaabot sa 11 MLD.
Sa ngayon ay 97% ng mga kostumers ng Manila Water ang may tubig na sa loob ng 8-12 oras na umaabot sa unang palapag ng mga kabahayan. Patuloy pa ring isinasagawa ang mga operational adjustments at network solutions tulad ng paglalagay ng mga line boosters at paglalatag ng mga karagdagang linya upang mas maging tuloy-tuloy ang supply ng tubig sa mga malalayo at matataas na lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water. #(MWC Corporate Communications)
No comments:
Post a Comment