Nakatakdang magpatupad muli ang Manila Water ng panibagong 'rotational water service interruptions' sa buong East Zone na tatagal mula 12 hanggang 17 oras sa loob ng buong araw. Ito ay dahilan sa pagpapatupad ng National Water Resources Board (NWRB) ng higit na pagbabawas ng alokasyon sa mga konsesyunaryo mula 40 cubic meters per second (CMS) hanggang 36 (CMS) sa pagsapit ng tubig sa Angat Dam sa kritikal na lebel na 160-meters. Ang karagdagang 4 CMS pa na ibinawas ay katumbas ng supply ng tubig para sa halos 700,000 na populasyon sa isang buong araw.
Dahil dito, kinakailangan pa naming palawigin at palawakin ang mga 'service interruption' para upang maibahagi ang tubig sa lahat ng aming mga customers, kahit lamang sa loob ng ilang oras sa isang araw, upang mabigyan ng pagkakataon na makapag-ipon ng tubig sa loob mismo ng kanilang mga bahay. Bagama't nailathala na namin ang iskedyul ng mga interruption sa aming mga social media platforms, aabot ng di kukulang sa tatlong araw pagkatapos ng pagbabawas ng alokasyon bago namin tuluyang maisaayos ang operasyon ayon sa aktwal na karanasan ng aming mga customer. Ang rotational water service interruption ay maaring ipatupad hanggang makabawi ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Kami po ay patuloy na magbibigay ng mga updates hinggil sa kalagayan ng supply ng tubig.
Para sa detalye, maaaring tawagan ang Manila Water's Customer Care Hotline 1627 o bisitahin ang aming Facebook (www.facebook.com/manilawater) at Twitter (www.twitter.com/ManilaWaterPH) accounts. #(MWC Corporate Communications)
No comments:
Post a Comment